DOJ, pinuri ang BuCor sa mabilis na hakbang nito sa reklamong pagpapahubad sa mga dalaw ng mga PDL

 

Pinuri ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., dahil sa mabilis na hakbang nito hinggil sa isyu ng reklamong pagpapahubad sa mga dalaw ng mga ‘Persons Deprived of Liberty’ o PDL.

Ayon kay Remulla, ang agarang aksyon ni Director General Catapang sa mga ganitong uri ng isyu o reklamo ay nagpapakita lamang na naipapatupad nito ang mandato ng naaayon sa batas.

Aniya, magiging maayos ang sistema sa mga piitan kung katulad ni Catapang ang mga mamumuno.


Matatandaan na pitong babaeng correction officers o prison guards ng BuCor ang sinibak sa puwesto upang bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon.

Ito’y matapos silang ireklamo ng dalawang maybahay ng political prisoners sa Commission on Human Rights (CHR) matapos ang paglabag sa protocol hinggil sa strip search.

Facebook Comments