Dalawang kilo ng shabu, nasamsam ng Parañaque PNP sa follow up operation

85

Parañaque City, Philippines – Natunton na ng Parañaque City Police ang sasakyan na nakatakas sa kanilang anti-drug operation sa Aguirre Ave. Brgy BF Homes, Parañaque City.

Una nang nakatakbo ang driver ng Toyota Altis color gray na may plate no. XTU 479 patungo sa direksyon ng South Luzon Expressway nang matunugan nito na police officer ang nagpanggap na buyer.

Gayunman sa pakikipag-ugnayan ng Parañaque Police sa Batangas Provincial Police at PNP Maritime Group , naispatan ang sasakyan na may kargang dalawang kilo ng high grade shabu.
Ang sasakyan na may kargang shabu ay inabandona sa parking area ng Batangas City Pier at tumakas ang mga suspek.
DZXL558

Facebook Comments