Grounbreaking ceremony sa San Juan Medical Center, pinagpaliban muna dahil sa sunog

38

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng San Juan City Government sa pagkansela ng Groundbreaking Ceremony sana ng San Juan Medical Center mamayang alas 10 ng umaga ngayong araw.

Ayon kay San Juan PIO Grace Cortes-Pardines aasikasuhin muna nila ang apatnapong pamilya na nawalan ng tahanan matapos masunog ang ilang kabahayan sa Blk.10 at 11 Brgy. West Crame San Juan City.

Nasunog aniya ang ilang mga kabahayan sa lugar kagabi na sinasabing napabayaan na nilutong pagkain kung saan umaabot sa isa punto limang milyong piso ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy.

Nangako naman si Pardines na agad ipagbigay alam sa media kung kailan ang bagong petsa ng groundbreaking ceremony ng naturang pagamutan.

DZXL558

Facebook Comments