Dalawang kinatawan ng United Nations, natagpuang patay sa Congo

Congo – Dalawang imbestigador ng United Nations na isang buwan nang nawawala ang natagpuang patay sa Congo.

 

Kasama rin sa mga natagpuan ang labi ng kanilang interpreter na mamamayan ng nasabing bansa.

 

Nabatid na nagtungo sa Congo sina Michael Sharp, isang US citizen at ang Swedish national na si Zaida Catalan para i-monitor ang sanctions ng UN security council nito.

 

Pero noong nakaraang buwan ay bigla na lamang silang nawala sa Kasai Central Province at natagpuang patay sa lugar kung saan din sila huling nakita.


Facebook Comments