Sa kabila ng bantang economic sanctions ng European Union; war on drugs ng administrasyong Duterte – magpapatuloy

Manila, Philippines – Magpapatuloy pa rin ang giyera ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

 

Sa kabila ito ng bantang pagpapataw ng economic sanctions ng European Union sa Pilipinas.

 

Giit ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez – sa halip na magbanta, dapat aniya ay tumulong na lang ang international community na palaguin pa ang export sa bansa para makagawa ng mga trabaho.

 

Dagdag pa ni Lopez, walang batayan at hindi patas ang panawagan ng New York Times sa editorial nito na patawan ng trade sanctions ang Pilipinas.

 

Una rito, nagbanta ang EU na papatawan ng buwis ang mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa mga kasaping bansa nito kung magpapatuloy ang mga patayan sa bansa.

 

 

Facebook Comments