Manila, Philippines – Pansamantala munang itinalaga ang dalawang councilor ng Ozamis City para punan ang nabakanteng posisyon sa pagka-Mayor at Vice Mayor.
Kasunod ito ng pagpatay kay Mayor Reynaldo Parojinog at pag-aresto naman sa kanyang anak na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echaves kahapon ng madaling araw.
Uupo munang alkalde ng lunsod si Second City Councilor Girlette Luansing hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon kay Vice Mayor Parojinog na papalit sana sa posisyon ng kanyang ama.
Habang si Third Councilor Michael Tagal naman ang tatayong bise alkalde.
Bukod kay Mayor Parojinog labing apat na iba pa ang nasawi sa ginawang raid sa kanilang bahay sa San Roque Lawis, Ozamis City.
Matatandaang kasama ang pangalan ng napatay na Mayor sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa narco politicians.