Bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte, isinailalim sa State of Calamity matapos daanan ng bagyong Huaning

Manila, Philippines – Inilagay na sa State of Calamity ang bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte matapos itong mapuruhan sa paghagupit ng bagyong Huaning.

Ayon sa mga lokal na opisyal ng Pasuquin, anim na porsyento ng coastal barangays nito ang tinamaan ng storm surge na dala ng malakas na hangin.

Bukod dito, aabot sa labing pitong bahay sa barangay davila ang nawasak ng storm surge habang 118 mga bangkang pangisda naman ang nasira.


May ilang kalsada rin ang nasira sa naturang bayan dahil pa rin sa bagyong Huaning.

Facebook Comments