Dalawang lalaki, arestado dahil sa ilegal na sugal at droga sa Makati City

33

Huli ang dalawang lalaki habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Makati City Police Station sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Kinilala ang dalawa na sina Rolito Raguda, 36 anyos at Alvin Mapola, 32 anyos.


Sila ay hinuli ng mga pulis matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na dice game sa Barrio Visaya St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Nang arestuhin sila ng mga pulis at kapkapan, nakuha ang dalawang maliit na plastic sachet na may lamang shabu.

Dinala muna sila sa Guadalupe Nuevo Substation at Pasay City General Hospital para sa mandatory medical and physical examination bago dinala sa Makati Police Station para sa documentation.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling at Republic Act No. 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments