Dalawang lalaki, arestado sa iligal na sugal sa brgy. Palatiw sa Pasig City

Nagulat at hindi na nakapalag pa ang dalawang lalaki matapos mahuling nagsusugal sa Baltazar Street, Brgy. Palatiw, Pasig City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Hector Carbonell at Richard Garcia.

Sa nakuha detalye ng DZXL RMN Manila, nagsasagawa ng patrolya ang mga pulis ng ma-ispatan ang grupo ng mga kalalakihan na naglalaro ng kara-krus.


Agad na nagtakbuhan ang ilan sa mga ito kung saan nakorner ng mga pulis sina Carbonell at Garcia.

Nakuha sa dalawa nag tatlong barya na ginamit sa sugal at P80. 00 na pamusta.

Muli naman nagpa-alala ang mga otoridad hinggil sa iligal na pagsusugal na isa sa mga ipinapatupad na ordinansa sa lungsod ng pasig.

Facebook Comments