Lima, arestado sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Maynila at Caloocan

Kalaboso ang tatlong lalaki matapos maaktuhang nagpa-pot session sa Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan.

Kinilala ang mga suspek na sina Benjamin Acuba, Bernie Tumamo at Jose Rosales.

Sa ulat, nagpapatrolya ang pulisya nang may magsumbong sa kanila hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek.


Nang rumesponde, agad na naaresto ang tatlo at narekober sa kanila ang isang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala sa Sta. Cruz, Maynila dalawang katao rin ang nadakip sa buy bust operation.

Narekober kina Sandra Lomabao at Raymond Bitanqor ang 20 plastic sachet ng shabu at P500 marked money.

Kinasuhan na sila ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments