Dalawang lalaki, arestado sa Las Piñas matapos mahulihan ng droga

Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang lalaki matapos ang ikinasang anti-drug operation sa Las PiƱas City.

Ang 40-anyos na si Roger Fabillo ay nahuling umiihi ng mga pulis kasunod ng Oplan Galugad sa Bagong Silang, Brgy. Talon Kuatro.

At nang kapkapan si Fabillo ay nakuha mula rito ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Samantala, sa ikinasa namang surveillance operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ay nahuli ang 42-anyos na si Francis Catanghal sa may Tramo St., Pulang Lupa Uno ng nabanggit na lungsod.

Dalawang sachet ng umano’y shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula kay Catanghal.

Nagihimas na ng malamig na rehas na bakal ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga ito.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments