Huli ang dalawa lalaki sa ikinasang magkahiwalay na entrapment operation sa Ilocos Norte at Nueva Ecija, kamakalawa.
Sa ulat ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, unang operasyon na kanilang ikinasa ay sa Brgy. Lydia, Marcos, Ilocos Norte kung saan nahuli ang suspek na si Ariel Zapico, na iligal na nagbebenta ng petroleum products.
Nakuha sa kanya ang isang kulay blue na plastic container na may lamang 30 liters ng premium gasoline, 12 plastic bottle na may laman na tig-isang litro ng premium petroleum gasoline, mga bote na may lamang unleaded gasoline at iba pang mga gamit nito sa iligal na pagbebenta.
Samantala, sa Brgy. Villarosa, Licab, Nueva Ecija naman nahuli ang isang Nestor Ignacio dahil sa pagbebenta ng mga counterfeit na sigarilyo.
Sa entrapment operation, nakuha sa kanya ang siyam na kahon ng iba’t ibang kalse ng counterfeit na sigarilyo at 1,000 pesos na boodle money.
Sa ngayon, nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1865 o Illegal Sale of Petroleum Products at paglabag sa PD 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.