Dalawang lalaki, Arestado sa Pagpupuslit ng Iligal na Kahoy!

Cabagan, Isabela- Arestado ang dalawang kalalakihan matapos masabat ng mga tauhan ng Isabela Environmental Protection Task Force (ISEPTF) na nagpupuslit ng mga pinutol na Gmelina sa Brgy. Masipi East, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Elizalde Afuan, limampu’t apat na taong gulang, may asawa, at si Cabel Marcos, dalawampu’t isang taong gulang, walang asawa, pawang mga magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nahuli ang dalawang suspek dahil walang maipakitang dokumento sa pagpupuslit sa mga pinutol na kahoy.


Dinala na sa himpilan ng PNP Cabagan sina Afuan at Marcos maging ang mga nakumpiskang Gmelina para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments