Lalaking Inaresto sa Panggagahasa, Nasamsaman ng Iligal na Droga!

Ballesteros, Cagayan- Nahararap sa kasong Paglabag sa RA 9165 at umano’y Panggagahasa ang isang lalaki matapos magsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan makaraang araw sa Barangay San Juan, Ballesteros, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Hercules Beltran, tatlumpu’t isang taong gulang, may asawa at residente ng naturang lugar.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, dumulog sa tanggapan ng Ballesteros Police Station ang isang menor de edad na biktima na itinago sa pangalang “Maria” kasama ang kanyang ama upang magsumbong hinggil sa panggagahasa ng suspek sa biktima.


Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP Ballesteros na nagresulta sa pagkakahuli ni Beltran at habang kinakapkapan ng kapulisan ang suspek ay nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Hawak na ngayon ng kapulisan ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments