Dalawang lalaki, huli dahil sa pagbibitbit ng shabu sa Las Piñas City

36

Inaresto ng mga pulis ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos makuhaan ng shabu sa Las Piñas City.

Kinilala ang mga ito na sina Joel Roldan, 4- anyos ng Bacoor, Cavite at Romel Ortega, 33-anyos ng Parañaque City.


Sa ulat ng Southern Police District, nagsasagawa ng oplan sita sa Brgy. Elias Aldana, Las Piñas City ang mga pulis nang harangin ang mga suspek na sakay ng motorsiklo dahil walang suot na helmet.

Nang kapkapan ang mga ito, nakuha ang dalawang sachet ng shabu.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug act of 2002 at City Ordinance No Helmet and No Driver’s License.

Facebook Comments