Dalawang lalaki, nagkasaksakan sa Las Piñas City

Manila, Philippines – Dahil lang sa nawawalang tambutso ng motorsiklo,  dalawang lalaki ang nagkasaksakan sa Las Piñas City.
 
Ayon kay Police C/Insp. Romeo Brintanico – nangyari ang insidente sa Pendong Compound, Barangay Pulanglupa Uno matapos na sugurin ng suspek na nakilala lamang sa alyas “Andoy Puno” at biktimang si Antero Haro.
 
Nang magkainitan kaugnay sa nawawalang muffler, doon na sinaksak ng suspek ang biktima habang nakatalikod ito.
 
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pananaksak habang ginagamot na sa Las Piñas District Hospital si Haro dahil sa tinamong sugat sa pige.


Facebook Comments