Dalawang lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa QC

49

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng tatlong riding in tandem sa Commonwealth Avenue kanto ng North Zuzuaregi Street Brgy. Batasan Hills QC.

Dead on the spot ang isa na kinilalang si Ramil Briones, 36 anyos, habang naisugod pa sa hospital si Rolito Nuñez, 44 anyos, pero hindi na umabot pa ng buhay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya isang saksi ang nagpahayag na pawang nakatakip ang mga mukha ng anim na armadong suspek.

Matapos umanong pwersahang pagdadamputin ay pinaghiwalay ang dalawa hanggang sa makarinig na lamang ng sunod-sunod na putok ng baril.

Aminado ang babaeng anak ni Nuñez na dati nang sumuko sa oplan tokhang ang ama dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin ganundin kung ano ang motibo sa likod ng pagpaslang sa dalawang umanong mga adik at tinitingnan din kung mayroong CCTV sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.
Nation

Facebook Comments