Dalawa katao kabilang ang isang babae, patay matapos tambangan sa Tondo, Maynila

485

Manila, Philippines – Patay ang dalawa katao kabilang ang isang babae, matapos tambangan sa Tondo, Maynila.
Ayon sa barangay tanod na si Edgar Nuñez, dalawang salarin na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa mga biktima sa Brgy. 105, District 1, Capulong Street. corner Road 10 ng nasabing lugar.

Hindi pa nakikilala ang lalaking biktima habang ang babae ay nakilalang si April Hicban.

Sa salaysay ng tanod, ang mga biktima ay lulan ng kulay puting Mitsubishi Estrada na may plakang TRO 633 nang paulanan ng bala ng dalawang suspek.

Sinilip pa umano ng mga suspek sa loob ng sasakyan ang dalawa para tiyakin kung patay na bago nagsitakas sa direksiyon ng Dagat-Dagatan.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng MPD o Manila Police District sa naturang krimen.
Nation

Facebook Comments