Dalawang Lalaki sa Benito Soliven, Arestado sa Kasong Illegal Gambling!

Benito Soliven, Isabela – Arestado sa kasong illegal gambling ang dalawang lalaki matapos na isinilbi ng mga alagad ng batas kaninang umaga ang kanilang warrant of arrest sa Brgy. Danipa, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang mga akusado na sina Ben Calpito Gonsay, 22 taong gulang, walang asawa, isang laborer at Bernardo Dimatra Mendones na pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Ang warrant of arrest nina Gonsay at Mendones ay ipinalabas ni hukom Alfred Alex Castillo ng MCTC Benito Soliven-San Mariano, Isabela.


Makakalaya lamang ang dalawang akusado kung makakapaglagak sila ng piyansang nagkakahalaga ng Php30,000.00 bawat isa.

Nasa himpilan na ng pulisya sina Mendones at Gonsay para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago dalhin sa kanilang court of origin.

Facebook Comments