Dalawang Lalaki sa Santiago City, Natimbog sa Pagnanakaw!

56

*Santiago City, Isabela- *Arestado ang dalawang kalalakihan matapos magnakaw ng baterya ng Truck bandang alas tres kaninang madaling araw sa Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Romeo Dacusan, bente tres anyos, at Wellymar Bermuda, disi otso anyos at pawang mga residente ng nasabing barangay habang ang mga biktima naman ay kinilalang sina Joel Saplaco at Marlon Dulay na mga residente rin ng Rizal, Santiago City.


Sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, Ninakaw umano ng dalawang suspek ang baterya ng nakaparadang Ten Wheeler at Forward Truck ng mga biktima subalit agad rin silang nahuli ng mga Brgy Tanods matapos humingi ng tulong ang mga biktima.

Dinala na sa Santiago City Police Station 1 ang dalawang suspek para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments