
Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Sual, Pangasinan na nagresulta sa pagkakasamsam ng tinatayang 2.4 gramo ng hinihinalang shabu.
Isinagawa ang operasyon ng Sual Municipal Police Station noong Pebrero 12, 2026, sa koordinasyon ng PDEA RO1.
Kinilala ang mga suspek na edad 31 at 29, kapwa tindero at kasalukuyang residente ng Dagupan City, bagamat mga katutubo ng Maimbung, Sulu.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱16,320.00.
Narekober din ang mga non-drug evidence kabilang ang ginamit na buy-bust money, boodle money, at mga drug paraphernalia.
Facebook Comments










