Dalawang Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Ipinagbabawal na Gamot

51

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Nestor alyas “JUN” Allauigan, 50 anyos, isang laborer at residente ng Brgy. District 1 at si Allan Soriano, 44 anyos na residente naman ng Brgy. San Fermin, Cauayan City.


Batay sa mbestigasyon ng PNP Cauayan City, ang suspek na si alyas Jun ay napagbentahan ang isang pulis na poseur buyer ng isang pakete ng hinihinalang shabu kapalit ang P1,000.00 bill na marked money.

Nakumpiska sa pag iingat ng dalawang suspek ang ilang drug paraphernalia.

Sasampahan ang dalawang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments