Dalawang Lalaking Biktima ng Hit and Run, Isa Patay!

Alicia, Isabela- Idineklarang Dead on Arrival ang isang lalaki matapos ma
hit and run sa Brgy. Apanay, Alicia, Isabela kahapon Marso 15, 2018.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Binoya, 45 anyos, may-asawa, negosyante
at residente ng Brgy. Victoria, Alicia, Isabela.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan News Team, binabagtas umano
ni Binoya ang bahagi ng Maharlika Highway sa nasabing Barangay angkas ang
isang lalaki na kinilalang si Leonardo Dela Cruz lulan ang motorsiklo
galing sa isang bar na sinusundan naman ng Elf Truck na siyang tumumbok sa
mga ito.


Samantala, ayon naman sa mga nakakita ay mabilis umanong tumakas ang suspek
at tinungo ang bahagi ng Alicia Town Proper.

Nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad
naman umanong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na umabot
ng buhay si Binoya.

Sa tulong ng mga nakakita ay patuloy paring isinasagawa ang pag-alam sa
pagkakakilanlan ng tumakas na suspek upang mapanagot at mapatawan ng
karampatang parusa.

Cops, PNP Alicia, RMN Cauayan, DWKD 98.5

Facebook Comments