Dalawang lalaking drug pusher, timbog sa Taguig City

44

Arestado ang dalawang lalaking nagtutulak umano ng ilegal na droga sa lungsod ng Taguig matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-3:00 ng hapon kahapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Dar Pusing Andul, 38-anyos, at Rey Nila Angeles, 34-anyos, parehong residente ng naturang lungsod.


Nakuha mula sa kanila ang 7.6 grams na umano’y shabu at may katumbas na halagang P51,680 at ang P200 na perang ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon laban sa mga suspek matapos makumpirma ang mga pagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. Maharlika, Taguig City.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments