Dalawang lalaking sangkot sa pagbebenta ng droga sa Mandaluyong, arestado

Timbog ang dalawang lalaki na tulak umano ng ilegal na droga matapos ikasa ang buy bust operation sa Mandaluyong CIty.

Nakilala ang mga suspek na sina Angelo De Castro Paguio, 27-anyos at Mark Edward Cayabyab Peñalba, 28-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang 2.1 grams na umano’y shabu na nagkakahalaga ng P14,280 at ang P500 na perang ginamit bilang buy-bust money.


Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Block 32 Extension, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City matapos makumpirma ng mga pulis ang ilegal na gawain ng mga suspek sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang dalawang suspek sa Mandaluyong City Police station custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments