Dalawang lalaking sinita dahil walang suot na face mask, arestado nang dahil sa ilegal na droga

76

Kalaboso ang dalawang lalaking sinita ng dahil walang suot na face mask matapos silang makuhanan ng ilegal na droga sa Taguig City.

Sa ulat ng Taguig Police, pasado alas-5:15 ng hapok kahapon, habang nagpapatrolya ang mga pulis sa kahabaan ng Convergence St., Brgy. South Signal, nakita nila na naglalakad ang dalawang suspek na walang suot na face mask.


Kinilala ang mga ito na sina Henry Dulguime Suan, 43-anyos at Niel Montes Balila, 51-anyos.

Nasamsam sa kanila ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,200.

Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig City Police Station Custodial Facility at nahaharap sila sa paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002 at Republic Act 1132.

Facebook Comments