Sandara Park, nakatanggap ng Gold Play Button sa YouTube!

48

Natanggap na ng Korean Pop Star at Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park ang kanyang YouTube Gold Play Button.

Ito ay matapos niyang ma-hit ang one million subscribers sa YouTube!


Kahapon, masayang ibinahagi ni Sandara sa kanyang Instagram ang kanyang picture kung saan hawak-hawak nito ang natanggap na Gold Play Button sa nasabing video-sharing platform.

Sinimulan ni Sandara ang kanyang channel na Dara TV noong 2017 at ngayon ay nasa 1.1 million na ang subscribers nito.

Bagama’t purong Koreano, pusong Pinoy naman ang dating 2NE1 member matapos na tumira sa Pilipinas ng ilang taon.

Kamakailan lang ay ipinakita niya sa kanyang vlog ang pagpunta sa isang Filipino market sa Seoul kung saan siya ay bumili ng mga Pinoy goodies tulad ng corned beef, tocino at sinigang mix.




Facebook Comments