Inaprubahan sa isinagawang National Economic and Development Authority o NEDA Board meeting kanina ang dalawang measure o paraan na magpapa-angat ng buhay ng mga Pilipino.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang dalawang measures na ito ay ang pag-apruba sa Executive Order o EO na nagpapahayag nang commitment ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP Agreement.
Pangalawa ay ang aaprubahang rekomendasyon para sa Social Protection Floor o SPF na inindorso ng Cabinet-level ng Social Development Committee.
Paliwanag ni Balisacan na ang mga rekomendasyong ito ay may layunin ma- institutionalized at ma-improve ang kasalukuyang inisyatibo para tutukan ang pangangailangan ng mga mahihirap na mga Pilipino.
Sinabi naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual na sa pamamagitan ng inaprobahang EO ipapatupad ang Philippine tariff commitments sa ilalim ng RCEP Agreement at ito ay epektibo sa June 2, 2023.
Kapag na isyu na ang EO magiging basehan ito ng Bureau of Customs (BuCor) para sa issuance ng customs administrative order, na ipaparating sa lahat ng mga pantalan sa bansa para sa paniningil ng tarrifs o buwis sa mga imported na produkto.
Ipinaliwanag pa ng kalihim na ang SPF o Social Protection Floor ay isang basic social security na naglalayong maiwasan ang mas paghihirap pa ng mga Pilpino.
Ito rin aniya ay tumututok sa apat na basic guarantees na nakapaloob ang kalusugan, kabilang na ang maternity care, kabataan, active age at mga nakatatanda.