LTO, gagamit muna ng papel na drivers license

Wala pang linaw kung hanggang kailan masusulusyunan ang kakulangan ng suplay ng plastic card para sa paggawa ng drivers license.

Sa isang pulong balitaan sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa Department of Transportation (DOTr) na hanggang katapusan na lang ng Abril ang suplay ng plastic card driver’s license.

Sa ngayon ramdam na sa buong bansa ang kakulangan ng plastic ID cards.


Sa Metro Manila, ilang tanggapan na ng LTO ang wala nang suplay.

Inihayag ni Tugade na pansamantalang ipapairal muna ng LTO ang paggamit ng papel na drivers license.

Ito’y hangga’t wala pang linaw kung kailan makakapag- procure ng plastic cards drivers license na dadaan pa sa bidding process.

Facebook Comments