MANILA – Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng dagdag na 2, 000 pulis sa araw ng eleksyon.Ilalagay ang mga ito sa election hotspots at magsisilbing reinforcements sa mga lugar na kakaunti ang tauha ng PNP.Sa kabuuan, nasa 10, 000 miyembro ng PNP ang ipapakalat sa darating na May 9 elections.Kasabay nito, hinikayat nila ang publiko na i-ulat ang sinumang tauhan ng PNP na nangangampanya ng sinumang kandidato.Sa ilalim ng ethical doctrine manual ng kapulisan, walang dapat kampihan na grupo ang sinumang pulis.Mahaharap sa kasong administratibo ang sinumang pulis na lalabag sa campaign rules.
Facebook Comments