Dalawang libong volunteer, bibigyang-pagkilala ng PRC dahil sa pagtugon sa COVID-19

Bibigyang-pagkilala ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang volunteers na tumulong sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa PRC, aabot sa dalawang libong mga volunteer mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kanilang bibigyan ng parangal bilang bahagi ng pagdiwirang ng International Volunteers’ Day bukas.

Ang mga volunteers ay tumulong sa COVID-19 testing, mga idineploy sa negative pressure ambulances, tumulong sa pagtatayo ng mga isolation facility, emergency field hospital at nakibahagi sa vaccination program.


Sila ay kikilalanin bilang “COVID-19 heroes” dahil sa malaking ambag sa COVID-19 response.

Isasagawa bukas ang pagbibigay ng pagkilala sa tanggapan ng PRC sa Mandaluyong City.

Facebook Comments