Dalawang Lider ng NPA sa Cagayan, Mahaharap sa Patung-patung na Kaso!

112

Cagayan – Mahaharap sa patung-patung na kaso ang mag-asawang lider ng NPA na sina Edison Culasing Erese at Divina Manuel Erese matapos mahuli ng mga otoridad sa pangunguna ng CIDG Region 2.

Paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Explosives in Relation to COMELEC ng RTC Branch 01, Tuguegarao City; Qualified Assault with Attempted Murder;18134,18135,18138,18139,18141,18142,18144 at 18146 ng RTC Branch 01 Tuguegarao City; Arson, ng RTC Branch 08 Aparri Cagayan; at ang Illegal Possession of Firearms and Explosives kung saan ay nakuha mismo sa kanilang pag-iingat.

Nahuli ang mag-asawa kahapon sa Sitio Nagtapulan, Brgy. Naguillan, Camiguin Island, Calayan, Cagayan sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib pwersa ng CIDG Cagayan, CIDG Regional Special Operations Team RFU2, Marine Batallion Team, RID PRO2, RPSB2 at sa pakikipag-ugnayan sa Calayan Police Station.

Sa ngayon ay nakapiit na sa CIDG ditention cell ang mag-asawang NPA habang hinihintay ang nakatakdang pagdinig sa kanilang mga kaso at inihahanda narin ang mga kaukulang dokumento bago dalhin sa BJMP Tuguegarao.

Facebook Comments