Traysikel Driver sa Cauayan City Isabela, Nahuli sa Isinilbing Warrant of Arrest!

141

Cauayan City, Isabela- Nahuli ang isang traysikel driver kaninang umaga matapos isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Burgos Street., District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Leonardo Bucag, apatnapu’t apat na taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Ang pagkakahuli ni Bucag ay dahil sa pwersa ng mga tauhan ng Cauayan City Police Station kung saan ang mandamiento de arresto ay ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City Isabela.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness si Bucag at makakalaya ito kung makakapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng tatlumpu’t anim na libong piso.

Samantala dinala na sa PNP Cauayan City ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments