Dalawang local vaccine manufacturer, handang mag-develop ng bakuna laban sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong dalawang local vaccine manufacturer ang handang mag-develop ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, napag-uusapan na ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Aniya, hinihimok nila ang mga local manufacturers na makiisa sa collaboration vaccine trials.


Maliban dito, sinabi rin ni Vergeire na lalahok ang Pilipinas sa clinical trials ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Magsisilbing initial trial sites para sa paghahanap ng bakuna laban sa COVID-19 ang Philippine General Hospital (PGH), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Manila Doctors Hospital, San Lazaro Hospital, at Vicente Sotto Medical Center.

Para maging clinical trial sites, kailangang mayroong mataas na transmission rate ng COVID-19 sa lugar.

Pero maaari pa ring makasama ang iba pang ospital batay sa kanilang case rates.

Facebook Comments