DALAWANG LOKASYON NG JOB FAIR SA DAGUPAN CITY, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA, HALOS 200 APLIKANTE, HIRED ON THE SPOT AYON SA DOLE

As of 4pm kahapon, araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo, nasa halos dalawandaang mga aplikante na ang na-hire on-the-spot ayon sa Department of Labor and Employment Region 1.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Agnes Aguinaldo, ang Supervising Labor and Employment Office ng DOLE R1, naging maganda aniya ang turn-out ng naging Kalayaan Job Fair sa dalawang lokasyon sa Dagupan City.
Ayon sa datos ng ahensya sa ginanap na Job Fairs sa dalawang mall sa lungsod, mayroon aniyang 176 na Hired-on the spot kung nasa 419 ang kabuuang bilang ng mga aplikante dito.

Aniya pa, nakilahok ang nasa 19 na local employers at isang overseas employer para bigyang pagkakataon ang mga aplikante na makapaghanap ng trabaho.
Sinabi pa ng opisyal na nakamit ang objective ng ahensya na at least 25% ng mga jobseekers ang na-hired on the spot kung saan sinabi din niya na hindi tagumpay o “failure” ang job fair kung wala aniyang na-hire.
Sa huli, wala naman daw naging problema sa pag-conduct ng job fair na ito at sinabi pa nito na naging maayos naman ang kooperasyon ng mga nakilahok na employers sa mga aplikante. |ifmnews
Facebook Comments