DALAWANG TUBONG PANGASINAN NA KABILANG SA LISTAHAN NG TOPNOTCHER SA NLE BOARD EXAM, ATING KILALANIN!

Muling namayagpag sa husay at talino matapos mapasama sa topnotcher ang dalawang tubong Pangasinan sa kakatapos na Nursing Licensure Examination 2023.
Dalawang Pangasinense ang napabilang sa talaan ng mga topnotchers na pawang residente at nag-aaral sa mga kilalang unibersidad sa lalawigan.
Si Hazel Ronlee Salazar mula sa Urdaneta City University ay nasa ika-8 na nakakuha ng 90%, at si Darlene Joy Aquino ng University of Pangasinan ay nasa ika-9 matapos makakuha ng 89.80% sa katatapos na NLE.

Samantala, isang pagpupugay rin sa mga Idol natin pumasa at nawa’y malaki ang maiambag niyong serbisyo sa mga mamamayan pagdating sa kalusugan.
Kaya naman mula dito sa iFM Dagupan, a warmest congratulations to All NLE passers! |ifmnews
Facebook Comments