
Sinibak ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Markus Lacanilao ang dalawang LTO enforcer sa MIMAROPA na nabistong nangongotong.
Ang isang sangkot na enforcer ay isang job order (JO) na natuklasang tumatanggap ng iligal na bayad sa pamamagitan ng GCash habang ang isa naman ay regular na empleyadong nahuli ring nangongolekta ng pera para sa mabilis na transaksyon.
Agad na ipinag- utos ni Asec. Lacanilao kay Region IV-B Acting Regional Director Atty. Wendel Dinglasan ang pagkansela ng kontrata ng JO enforcer at 90 araw na suspensyon naman sa regular na empleyado habang pending ang imbestigasyon.
Nagbabala si Asec. Lacanilao sa lahat ng tauhan na hindi kailanman kukunsintihin ang pag-abuso sa kapangyarihan.
Facebook Comments










