Dalawang mag-aaral, maswerteng nanalo sa “Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho”

21

Dalawa pang maswerteng mag-aaral ang nanalo ng tablet mula sa RMN DZXL 558 Radyo Trabaho sa pakikipagtulungan ng opisina ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show o LBMS, nagpasalamat ang maswerteng winners na sina Life Adline Mae Espiritu mula sa San Idelfonso Bulacan na isa siya sa napili.


Ayon kay Espiritu, mahilig talagang makinig ang kaniyang magulang sa radyo at dito nila narinig ang tungkol sa Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho kung saan nang subukan nila ay isa sila agad sa nanalo ng tablet.

Bukod kay Espiritu, isa pa sa maswerteng nanalo ng tablet si Jerome Angeles na mula naman sa La Loma, Quezon City kung saan malaking tulong daw ito sa kaniyang pag-aaral.

Facebook Comments