MGA MAGSASAKA SA BUGALLON SUMAILALIM SA PROGRAMANG SURE COVID-19 NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

13

BUGALLON, PANGASINAN – Sumailalim sa contract signing ang labing walong magsasaka ng Bugallon sa programa ng Department of Agriculture Region 1 na SURE COVID-19.

Ang nasabing programa ay ang pinalawak na ALPAS ng DA o Ahon Lahat, Pagkaing sapat kontra COVID-19 na naglalayong matulungan ang mga magsasaka sa Pangasinan na naapektuhan ang kita dahil sa pandemya.


Sa ilalim ng programang ito maaaring manghihiram hanggang 25,000 pesos ang isang magsasaka ng walang collateral, zero interest at maaaring bayaran sa loob ng sampung taon.

Umaasa ang nasabing ahensya na gagamitin ng mga benepisyaryo ang perang nahiram upang mapalago ang kanilang paghahanapbuhay.

Facebook Comments