Dalawang magkakasunod na lindol, yumanig sa Calatagan, Batangas at Paluan sa Occidental Mindoro

Niyanig kahapon ng Magnitude 5.3 ng lindol ang Calatagan, Batangas.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-5:12 naramdaman ang pagyanig na nasa layong 24 kilometers timog-kanluran ng Calatagan town.

May lalim itong 99 kilometers at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman ang Intensity 3 sa Quezon City habang Intensity 2 sa San Felipe, Zambales.

Instrumental Intensities naman ang naramdaman sa Quezon City, Tagaytay City, Batangas City at Calatagan, Batangas.

Samantala, niyanig din kahapon ng magnitude 5.2 na lindol ang Paluan, Occidental Mindoro sa kapareho ring oras.

May lalim naman itong 104 kilometers at tectonic din ang pinagmulan.

Batay pa sa datos ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 4 ng lindol sa Calatagan sa Batangas, Puerto Galera at Oriental Mindoro.

Habang Intensity 3 sa; Batangas City, Lemery, Malvar, Bauan sa Batangas; Tagaytay City, Amadeo sa Cavite, Quezon City, Manila at Pasay.

At Intensity II sa Taguig City, Mandaluyong City, Makati City, Caloocan City, Malabon City, Tanay sa Rizal at San Felipe sa Zambales.

Facebook Comments