Dalawang Magnanakaw sa Santiago City, Nahuli Na!

Santiago City, Isabela- Natimbog na ng PNP Santiago City ang dalawang suspek na may kasong pagnanakaw sa isinagawang Warrant of Arrest ng himpilan kahapon, Marso 8, 2018 sa naturang lungsod.

Isa sa nahuling suspek sa Pagnanakaw ay kinilalang si Noli Dulay, 42 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Rizal, Santiago City alinsunod sa inihaing Warrant of Arrest ni hukom Efren M. Cacatian noong December 14, 2017.

Si Dulay ay nahuli ng pinagsamang pangkat ng PS 1 Santiago City sa pangunguna ni PCI Rolando Gatan, MPG, SCPO Warrant Server at CIDG at pansamantalang makakalaya kung maglalagak ng halagang walumpong libong piso (80,000.00).


Samantala, nahuli rin ng PNP Station 2 Santiago City ang isa pang suspek sa Pagnanakaw na kinilalang si Jealaica Andres, 21 anyos at residente ng San Agustin, Isabela mula sa inihaing Mandamyento de Aresto ni hukom Genevie D. Ande-Anghhad ng MTTC noong Enero 22, 2018 at makakapaglagak ng sampung libong piso (10,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya na ng Santiago City Police Office ang dalawang nahuli.

Facebook Comments