Nagkukulang na ang suplay ng manok sa ilang branches ng mga fast-food giants na Jollibee Group at McDonalds’ Philippines.
Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng Jollibee Group na may hawak sa Jollibee at Mang Inasal, bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng consumer demand at limitadong suplay ng manok sa merkado na pasok sa kanilang pamantayan.
Gayundin ang sinabi ni McDonalds’ Philippines corporate relations director Adi Hernandez kaya ilan sa mga branches nito ang bigong makapaghain ng chicken products sa kanilang parokyano.
Sa kabilang banda, nag-iimprove na raw umano ang suplay ng manok kaya tiwala ang mga ito na makakapaghain na ng chicken produts ang lahat ng branches nito sa lalong madaling panahon.
Facebook Comments