Manila, Philippines – Laya na ang dalawang Malaysian nationals na dinukot ng Abu Sayyaf ng halos isang taon.
Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Marine Col. Edgard Arevalo ang magkakalaya ng dalawa sa isinagawang operasyon ng tropa ng Philippine Marines sa Carudong, Sulu dakong alas-2:00 kaninang madaling araw.
Ang nasagip na mga bihag ay kabilang sa limang malaysians sakay sa isang tugboat patungo sana sa lahad datu sa Malaysia noong hulyo subalit dinukot ng Abu Sayyaf.
Nabatid na humingi pa ang ASG ng P100 million kapalit ang kalayaan ng naturang mga bihag pero hindi naibigay ang ransom.
Ayon kay Arevalo, nagpadala sila ng tropa sa kinaroroonan ng mga humigit kumulang 30 Abu Sayyaf kasama ang limang hostage makaraang makatanggap sila ng tip mula sa mga sibilyan hinggil sa presensya ng bandidong grupo.
Subalit pagkarating umano ng mga sundalo ay wala na ang mga miyembro ng Abu Sayyaf at iniwan na lamang sina Fandy Bin Bakran, 26 at Abdul Rahim Bin Summas, 62-anyos.
Ididiretso naman aniya ang dalawang malaysians sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo Island para sumailalim sa debriefing.
Facebook Comments