Embahada ng Pilipinas sa London – tiniyak na walang pinoy na nadamay sa madugong parliament terror attach

Manila, Philippines – Kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa London na walang Pilipinong nasawi sa nangyaring “marauding terrorist attack”malapit sa British parliament.
 
Sa naturang pag-atake lima katao ang nasawi, kabilang na ang suspek at isang pulis, at ikinasugat ng 40 iba pa.
 
Kasabay nito, hinimok ng embahada ang lahat ng mga pilipino na manatiling mapagmatyag.
 
Maari naman umanong tumawag sa embahada ang mga Pilipino sa London na nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng kanilang emergency hotline na ‎+44 7802 790695.
 

 

Facebook Comments