Dalawang mangingisda na nawala sa WPS, nasagip ng AFP Western Command

Matagumpay na nailigtas ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang mangingisda na nawala sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay WESCOM Chief Vice Admiral Alberto Carlos, naubusan ng gasolina ang sinasakyang bangka nina Jerome at Jaybogs Fortu kapwa taga Occidental Mindoro na pumalaot sa WPS noong January 23.

Ani Carlos, nagpalutang lutang ang dalawang mangingisda sa WPS sa loob ng 13 araw hanggang sa nasagip sila ng mga awtoridad.


Sinabi ng opisyal na nang nakatanggap sila ng ulat hinggil dito ay kaagad idineploy ang Philippine Navy Vessel – BRP Gregorio del Pilar para sagipin ang dalawang mangingisda.

Pagkarating sa Palawan, dinala ang dalawa sa Camp Ricarte Station Hospital para bigyan ng atensyong medikal.

Agad ding in-airlift ang dalawa lulan ng PN Islander aircraft sa kanilang hometown sa Mamburao, Occidental Mindoro kung saan naging emosyonal ang dalawa sa pagbalik sa kani-kanilang mga pamilya.

Facebook Comments