Dalawang mangingisda sa Palawan, arestado matapos marekober ang 70 patay na pawikan

310

Dumaran, Palawan – Arestado ang dalawang mangingisda matapos na marekober sa kanilang bangka ang 70 patay na pawikan sa Dumaran, Palawan.

Patungo sana sa Balabac, Palawan ang mga mangingisdang sina Rico Gonzales Jr. at Kim Aristotiles para ibenta ang mga pawikan nang maharang sila ng mga tauhan ng PNP at bantay dumaran.

Nabatid na umaabot sa 25-libong piso ang bentahan kada isang pawikan.


Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa republic act 9147 o Wildlife Act of the Philippines.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments