Dalawang manlalaro ng Miami Heat, posibleng hindi makapaglaro sa Game 2 ng NBA Finals dahil sa injury

Photo Courtesy: Clutch Points

Posibleng hindi makapaglaro sa Game 2 Finals ng National Basketball Association (NBA) sina Goran Dragic at Bam Adebayo ng Miami Heat.

Ito ay matapos magtamo ng left foot torn plantar fascia injury si Dragic habang left neck strain naman ang natamo ni Adebayo.

Nabatid na una nang lumabas sa playing court si Dragic sa first half ng Game 1 at hindi na bumalik matapos matamo ang injury na sinundan naman ni Adebayo.


Nagpasalamat naman si Heat coach Erik Spoelstra dahil hindi gaanong mabigat ang injury ni Jimmy Butler na nagtamo ng ankle injury subalit bumalik sa laro pagpasok ng second half.

Gaganapin ang Game 2 ng NBA Finals alas-9 ng umaga bukas (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments