Lalaking tulak ng shabu, arestado sa Muntinlupa buy-bust operation

30

Timbong ang isang lalaking na nagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Marvin Sumilhig Guino, 24-anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Sucat ng nasabing lungsod.

Nakuha mula sa kanya ang 3.2 grams na shabu na may katumbas na halagang P35,360 at P300 na perang ginamit bilang buy-bust money.

Nahuli ang suspek nang salakayin ng mga otoridad ang bahay nito pasado alas-10:30 kagabi matapos makumpirma na nagbebenta ito ng umano’y shabu sa lugar kung saan ito nakatira at sa iba pang lugar ng Muntinlupa City.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Philippine National Police (PNP) Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments