Dalawang mataas na opisyal at ilang miyembro ng PNP, pinatawan ng contempt at idinetine sa Kamara

Pinatawan ng contempt ng House Committee on Public Order and Safety at ididitine ng 30 araw sa House of Representatives sina PBGen. Roderick Mariano, na dating Director of the Philippine National Police – Southern Police District o SPD at PCOL Charlie Cabradilla, dati namang comptroller head ng SPD.

Kasama rin nila PltCol. Jolet Guevara, PMAJ Jason Quijana, PMAJ John Patrick Magsalos, PSSG. (police senior staff sergeant) Roy Pioquinto, PSSG Mark Democrito, PSSG Danilo Desder.

Ang pag-contempt at pagditine sa nabanggit na mga pulis ay isinulong ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na inaprubahan naman ng komite na pinamumunuan ni Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez.


Diin ni Tulfo, malinaw na nagsisinungaling umano ang nasabing mga pulis kaugnay sa ibinibintang sa kanilang unlawful arrest, arbitrary detention, at robbery sa apat na Chinese nationals na kanilang inaresto sa Parañaque noong September ng nakaraang taon.

Facebook Comments