Escudero: Banta ng pekeng People’s Initiative, mananatili kung walang magiging kongkretong posisyon dito ang pangulo

Nagbabala si Senator Chiz Escudero na mananatili pa rin ang banta ng pekeng People’s Initiative hangga’t walang nagiging klarong posisyon dito si Pangulong Bongbong Marcos.

Aniya, maliwanag na inamin ng Commission on Elections (COMELEC) na walang expiration date ang mga lagda at hindi maiaalis ang pangamba na muli itong magamit sa hinaharap.

Pagdidiin ni Escudero, kung makapagbibigay lamang ng malinaw na posisyon ang Pangulo sa People’s Initiative ay makapagbibigay ng katahimikan para makapag-move on na ang lahat.


Sa apela naman ng mga kongresista na itigil na ang imbestigasyon ng Senado… iginiit ni Escudero na kung wala namang kinalaman ang sinumang mambabatas ay hindi dapat sila apektado.

Hirit pa ng senador, kung sino pa unang pumutak ay iyon pa ang madalas na nasa likod ng ginawang pagkakamali na siya ngayong iniimbestigahan.

Facebook Comments